NAGBABANTA SA BUHAY NG MGA PARI BINALAAN

du22

(NI BETH JULIAN)

HINDI galing kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga banta sa buhay sa mga pari sa bansa

Sa talumpati ng Pangulo sa Cebu City binanggit nito ang mensahe na kanyang tinanggap mula kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na nagsasabing may nagpapadala umanong death threat sa ilang obispo at pari na ginagamit ang pangalan ng Pangulo at kanyang pamilya.

Dito ay nilinaw ng Pangulo na maaaring may gumagamit lamang ng kanyang pangalan at hindi ito magmumula sa kanya.

Matatandaan na ilang ulit nang binanatan ni Duterte ang Simbahang Katoliko pero nagbago ang tono nito nang bantaan nya sa kanyang talumpati ang mga gagalaw at mananakit sa mga pari at madre.

Sinabi ng Pangulo na pawang mga seryosong tao ang mga alagad ng simbahan at walang kinalaman sa politika kaya’t dapat nang tigilan ang mga pagbabanta sa mga pari dahil kung hindi ay ang mismong Pangulo na ang kanilang makakalaban.

81

Related posts

Leave a Comment