NAKUMPISKANG DROGA PINANGANGAMBAHANG BALIK-LANSANGAN

drugs12

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY JACOB REYES)

HINILING ng isang mambabatas sa Kamara sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na agad sirain ang mga nakukumpiskang droga upang hindi na ito bumalik sa lansangan.

Ginawa ni Marinduque Rep. Lord Alan Velasco ang mungkahi matapos masabat ng PDEA sa Manila North Harbor ang shabu na nagkakahalaga ng P1.8 Billion noong Sabado.

“While we laud the Philippine Drug Enforcement Agency and other law enforcement agencies for the seizing almost 500 kilos of shabu, I strongly urge them to handle with outmost care the evidence against those ressponsible of bringing in the illegal drugs so they can file appropriate charges against them with the court and win the cases,” ani Velasco.

Gayunpaman pagkatapos aniya ng inventory ng mga ebidensya kailangan masira agad ang mga kontrabandong ito upang hindi na bumalik sa lansangan ang mga nakumpiskang shabu.

Kamakailan lang ay umaabot sa P1.1 Billion naman ang nakumpiskang droga sa apat na Chinese nationals na nangungupahan sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City.

Kailangan din aniyang masiguro na may mga managot ang mga nagpasok ng mga droga sa bansa dahil kung hindi ay magpapatuloy ang mga ito sa kanilang ilegal na gawain.

102

Related posts

Leave a Comment