PINURI ang 163 Pinoy na nagtatrabaho sa stranded na cruise ship sa Norway dahil sa umano’y pagligtas ng mga ito sa pasahero sa kasagsagan ng sama ng panahon, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Kasabay nito, iniulat na ligtas ang lahat ng Pinoy ayon sa Viking Cruises at Norweigan Rescue Center matapos tumulong sa pag-evacuate sa mga pasahero. Wala rin umanong Pinoy na pasahero sa cruise ship.
Puring-puri umano ng mga pasahero ang mga trabahador na Pinoy dahil sa mabilis at maayos na pag-evacuate sa mga pasahero habang patuloy na minomonitor ng DFA ang kaganapan.
Tatlo sa apat na makina ng na-stranded na MV Viking Sky ang tumatakbo habang hinihinala sa pampang ng tug boats, ayon sa ulat.
Na-stranded ang cruise ship sa maalon bahagi ng karagatan nang magkaroon ng engine problem dahil sa sama ng panahon noong Sabado.
Halos kalahati na ng 1,373 pasahero at crew sa cruise ship ang kinuha na ng mga helicopters na nagresponde, Linggo ng umaga.
177