ISA PANG BAGYO PAPASOK SA LOOB NG 36-ORAS

rain

UMALIS na ang low pressure area (LPA) na namataan sa Puerto Princesa, Palawan, Martes ng umaga subalit isa na namang bagyo ang namumuo at posibleng pumasok sa bansa sa mga susunod na araw, ayon sa weather bureau.

Ang unang LPA ay nakalabas na at hindi na nakaaapekto sa bansa, ayon sa PAGASA.

Tinatayang sa loob ng 24 hanggang 36 na oras ay mabuo ang LPA sa isang tropical depression.

Ang LPA ay namataan 1,025 kilometers east ng Mindanao at hindi pa direktang nakaapekto sa bansa.

Sakaling mamuo, tatawaging ‘Usman’ ang bagyo.

16

Related posts

Leave a Comment