NAMEKE NG RESIBO, DIMANJUG CEBU MAYOR SUSPENDIDO NG 90- ARAW

cebu12

(NI ABBY MENDOZA)

PINATAWAN ng 90-araw na suspension order ng Sandiganbayan si Dimanjug, Cebu Mayor Efren Gica matapos umano nitong pekein ang resibo ng pagkain sa isang barangay assembly.

Ayon sa datos ng Sandiganbayan, nagdagdag ng P10,000 ang alkalde sa resibo.

Nabatid na P11,435 ang nasa original na resibo ng pagkain na inihanda ni Gica sa barangay assembly subalit ginawa itong P21,435

Sa isinagawang arraignment noong Enero 23 ay nagpasok ng not guilty plea ang alkalde at binigyan ito ng 10-araw para mag-komento kung bakit hindi sya dapat suspendihin ngunit hindi ito tumalima sa kautusan ng korte sa kabila ng pagbibigay dito ng karagdagang palugit.

“Gica failed to file any answer to such order despite the period of time given for him to do so; thus the subject Informations are deemed valid,” ayon sa desisyon ng graft court kung saan napatunayan umanong guilty ang alkalde sa kasong graft, falsification at malversation.

Kasabay ng desisyon ay nagpalabas din ang graft court ng cease and desist order para itigil na ni Gica ang pagganap sa kanyang tungkulin bilang alkalde.

Sa resolution ng Sandigambayan Fourth Division ay inatasan nito ang Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang suspension.

86

Related posts

Leave a Comment