NARCO LIST PART 2 ILALABAS DIN NG PANGULO

DUTERTE13

(NI LILY REYES)

HINDI   pa umano dapat magdiwang ang iba pang mga narco-politicians partikular na ang mga taga Metro Manila , CALABARZON  at   Visayas dahil  sila umano ang isusunod na papangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte

Ayon sa Pangulo , maghintay lang sila  dahil may ginagawa pa  umanong revalidation  sa mga impormasyon  laban sa mga  hindi pa napapangalanang narco politician, dahil kitang-kita naman umano  kung gaano katalamak  ang problema sa droga  sa  Metro Manila, CALABARZON at Visayas.

Ang ginagawang revalidation  sa mga  narco politicians  ay  para tiyaking tama ang  kanilang natatanggap na impormasyon  at kapag  ito ay nakumpirmang totoo ay hindi mangingimi ang Pangulo  na ito ay kanyang ilabas. Inaasahang ilalabas ang ikalawang bugso ng narcolist kahit na sa mismong araw ng election sa Mayo  13.

Nilinaw ng Pangulo na may ibang hindi pa pinangalanan dahil hindi pa ito na-validate.

“‘Yong iba, ‘yong na-file na medyo validated na, then we can say that we have gathered enough proof. I’m not really interested in releasing it before or after the elections because I don’t have the slightest intention to hurt anybody or to be the cause of a failure of the election of a certain one who wants to serve the public,” ayon sa Pangulo.

Ang  46  government official na pinangalanan ng Pangulo  ay  inirekomenda naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman para sampahan ng kasong administratibo.

131

Related posts

Leave a Comment