KARLA ALL OUT ANG SUPPORT PARA KINA KATHRYN, ALDEN

katkat1

Ipinahayag ni Karla Estrada ang kanyang todong suporta sa upcoming movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Si Karla ang nanay ni Daniel Padilla, boyfriend at ka-loveteam ni Kathryn. Sa kanyang IG account, nag-post si Karla ng photo nina Direk Cathy Garcia Molina at Star Cinema managing director Olivia Lamasan. “Mabuhay ang pelikulang Pilipino! Isa na namang obra ito,” ang caption ng larawan.

May lagpas 27,000 likes at daan-daang comments na ang nasabing post, at marami sa comments ang pumuri kay Karla sa kanyang malawak na pang-unawa.

Sa isang open letter, sinabi ni Kathryn na napag-usapan nila ni Daniel na hindi muna sila gagawa ng projects na magkasama ngayong 2019.

68

Related posts

Leave a Comment