NATALONG PARTY-LIST SOLONS ‘DI MAGHAHABOL

COMELEC12

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL wala umanong nananalo sa Commission on Elections (Comelec) sa mga election protest sa national level, wala nang balak ang ilang natalong party-list congressmen na maghabol.

Mismong si House minority leader Danilo Suarez ang nagsabi wala pang naghain ng election protest sa Comelec ang nanalo sa hindi malamang kadahilanan kaya nawawalan ng gana na maghabol ang mga  natalong party-list tulad ng Coop-natcco at ACT OFWs.

“Sa Comelec, wala pang nananalong nagprotesta sa national level. Parang naghahabol ka sa tambol mayor kung magprotesta ka,” pahayag ni Suarez sa press conference.

Dahil dito, tila nawalan na nang ganan sina Rep. Anthony Bravo ng Coop-Natcco at ACTs OFW party-list Rep. John Bertiz na kapwa natalo noong nakaraang eleksyon.

Sabi ng Minority leader, wala pang nananalo sa Comelec kaya hindi na siguro kami maghahabol,” ani Bravo na sinegundahan nina Bertiz na kinapos din ng boto noong nakaraang eleksyon kaya hindi makapapasok sa 18th Congress.

Gayunman, sinabi ng dalawang party-list congressmen na dapat singilin ng taumbayan ang Comelec dahil sila ang dahilan kung bakit umaabot sa 9 million botante ng hindi bumoto sa party-list.

Ayon kay Bravo, 27 million lamang ang bumoto sa party-list noong nakaraang eleksyon sa 36 million na nakaboto noong nakaraang eleksyon dahil inilagay ng Comelec sa likod ng balota ang mga party-list organizations.

Sinabi ni Bravo na national level ang paghahal sa party-list kaya dapat aniyang inilalagay ito sa ibaba ng senatorial candidate tulad ng ginawa ng ahensya sa mga nakaraang eleksyon.

Gayunman, inilagay ang party-list sa likod ng balota noong nakaraang eleksyon kaya 9 milyon botante ang hindi nakaboto.

118

Related posts

Leave a Comment