NATIONWIDE GUN BAN IPATUTUPAD NG PNP, AFP

MAGPAPATUPAD ng total gun ban ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippine sa buong Pilipinas bunsod ng nakatakdang May midterm election.

Ito ay base sa inilabas na schedule ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2025 midterm elections.

Ang AFP at PNP ay kapwa deputized agents ng Comelec tuwing panahong ng eleksyon kaya sila ang naatasang magpatupad ng Nationwide Total Gun ng komisyon.

Nabatid na ang nationwide gun ban ay ipatutupad mula Enero 12 hanggang Hunyo 11, 2025 kasabay ng election period na itinakda ng Comelec.

Samantala, itinakda naman ang paghahain ng mga kandidato ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) mula Oktubre 1 hanggang 8, 2024, kasabay nito ay ang paghain din ng Certificates of Nomination and Acceptance (CON-CAN) ng party-list groups.

Maaaring mangampanya ang national candidates kabilang ang mga senador at party-list, mula Pebrero 11 hanggang Mayo 10, 2025 habang ang mga lokal na kandidato ay maaaring mangampanya mula Marso 28 hanggang Mayo 10, 2025.

Ang overseas voting naman ay nakatakdang ganapin sa Abril 13 hanggang Mayo 12, at ang local absentee voting sa Abril 28 hanggang Abril 30.

Ang substitution ay pinapayagan din hanggang Oktubre 8 lamang o kaya’y sa pagkakataon ng diskwalipikasyon o kamatayan. (JESSE KABEL RUIZ)

45

Related posts

Leave a Comment