NEGOSYANTE NG PEKENG SIGARILYO ‘SWAK’ SA P3.4-B TAX EVASION

bir18

Ni NELSON S. BADILLA

SINAMPAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong tax evasion sa Department of Justice (DOJ) ang isang negosyanteng nakabase sa Pangasinan dahil sa hindi pagbabayad ng P3.4 bilyong excise tax mula sa pagnenegosyo ng pekeng sigarilyo simula noong 2013.

Isinampa ang kaso laban kay Danilo Calugay makaraang madiskubre ng BIR na ang kanyang negosyong pagawaan ng mga pekeng sigarilyo sa Bugallon at Magaldan (parehong mga bayan sa Pangasinan) ay “hindi rehistrado,  hindi nagpasa ng excise tax returns [sa BIR], pagkakaroon ng mga artikulong kailangang bayaran ng excise tax ngunit hindi nagbayad ng excise tax [sa BIR] at pagkakaroon ng ng counterfeit internal revenue stamps.”

Idiniin ng BIR na tahasang paglabag sa mga Seksyon 236, 255, 263 at 265(c) ng inamiyendahang National Internal Revenue Code of 1997.

Si Calugay ay ika-415 negosyante na sinampahan ng kasong tax evasion sa ilalim ng programang Run After Tax Evaders (RATE) simula nang maging komisyoner ng BIR si Caesar Dulay.

Natunton ng BIR ang iligal na pagnenegosyo ni Calugay nang lusubin ng pinagsanib na puwersa ng BIR Strike Team at National Bureau of Investigation (NBI) noong Nobyembre 2018 ang pabrika ng pekeng sigarilyo sa Bugallon at bodega ng pekeng sigarilyo sa Magaldan.

Si Calugay ay na mayroong mga pangalan ng mga negosyo na “Lucky DC Builders and Construction Supplies,” “Lucky DC Convenience Store” at “Lucky DC Gasoline Station” na may tanggapan sa Mapolopolo, Basista at Umanday, Bugallon (na parehong nasa Pangasinan) ay nagsimula sa kanyang negosyong sigarilyo noong Abril 29,2013, banggit ng BIR.

Idiniin ng BIR na ang pabrika at bodega sa Bugallon at Magaldan ay pagawaan ng mga pekeng sigarilyo na hindi rehistrado at hindi lisensyado.

Nakumpiska ng BIR Strike Team at NBI mula sa paggawaan ni Calugay ang “cigarette-making and packing machines, 495 master cases, 7 reams of fake cigarettes and 8,620,00 fake cigarette stamps.”

Ipinaliwanag ng BIR na ang “internal revenue stamps affixed in the seized cigarette packs were found to be counterfeit and spurious as verified by a Taggant Reader (a BIR mobile device to detect the authenticity of the same) and an issued certification by the APO Production Unit, a government agency in charge of the printing of the said internal revenue stamps.”

Kaya, sinampahan ng BIR ng kasong tax evasion si Calugay sa hindi pagbabayad ng P3.4 bilyong buwis sa pamahalaan.

Tiniyak ng BIR na malakas at matibay ang ebidensya nito laban kay Calugay.

86

Related posts

Leave a Comment