2 LOKAL NA OPISYAL DINAMPOT SA MOISES PADILLA AMBUSH

moises12

ARESTADO ang dalawang lokal na opisyal ng Moises Padilla town sa Negros Occidental dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa ambush na ikinamatay ng isang konsehal at tiyuhin nito noong Huwebes.

Dalawang kaso ng murder ang isinampa laban kina Councilor Agustin Grande, ng  Moises Padilla town at Joe Cesar, miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team, ayon kay Police Capt. Junji Liba, Moises Padilla police chief

Itinanggi ni Grande ang pagkakasangkot sa pagkamatay ni reelectionist Moises Padilla Councilor Michael Garcia at tiyuhin nito na si Mark Garcia.

Inaresto ang dalawa matapos ituro ng mga saksi na kabilang sa nanambang sa convoy ng mga Garcia galing sa campaign sortie.

Sinabi ni Police Col. Romeo Baleros, acting chief ng Negros Occidental Police Provincial Office, na umaabot sa 30 katao ang nagsagawa ng ambush at pito sa mga ito ang nakilala.  Positibo silang kinilala ng asawa ni Mark Garcia.

Ang gunmen ay kasapi umano sa private armed group ng mga lokal na opisyal.

Itinaas na sa P2 milyon ang pabuya sa sinumang makapagbibigay ng imporasyon sa ikadarakip ng iba pang suspect.

126

Related posts

Leave a Comment