KAPILYA NG INC PINAGBABATO NG MGA LASING; KAPITAN, IBA PA LUMABAG SA R.A. 8749, R.A. 9514

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, pakikalampag naman po ang kapulisan ng Nabua Camarines Sur. Dahil nagulat na lamang kami habang nagsasagawa po kami ng panata nang paulanan ng mga bato ang loob ng a­ming kapilya rito sa Nabua, CamSur. Nang silipin po namin kung sino ang mga ito, nakita namin na may mga dalang itak at mga lasing na kinilalang mga pamilya ng Villa­mero, Ani at Mina. ‘Yong isa ay isang alyas Akoy.

Sila ay mga kilalang siga po sa aming lugar, katuna­yan iyong isa naming may tungkulin na dumaan lang sa harapan ng mga Villamero ay bigla na lamang sinapak. Kinursunada sa may Folk Land Irrigation. At nang dumaan ang isa naming kapatid na sasamba ay inalok na uminom ngunit tinanggihan kaya’t binuhusan ng alak. Ang huli po ay ‘yong Ministro namin na dumadaan lang ay pilit na pinaiinom. Kaya po pala malakas ang loob dahil sa protektado po sila ng mga pulis ng Nabua. Gumagalang, Mr. Folkland

Misyon Aksyon, pakika­lampag po ang isang kagawad na pumalit sa isang namatay na Kapitan dahil sa kawalan nito ng kaalaman sa pagpapatupad ng mga ordinansa at sa mga batas na umiiral sa bansa. Mantakin niyo po na sa halip na matuto ang mga kababayan niya ng tamang pagtatapon ng mga basura, katamaran at paglabag sa mga ordinansa at batas ang i­pinapakita niya kasama ng kanyang mga kagawad. Nagsimula po ito nang magsagawa po sila ng General Cleaning o “Rabus” sa Barangay San Luis dito sa Nabua, Camarines Sur noong March 31, 2019. Lahat po ng basura gaya ng mga plastic, dahon at iba’t ibang klase ng basura sa halip na paghiwa-hiwalayin ang mga ‘di nabubulok at nabubulok, pati mga lata ay pinaghalu-halo bago sana ipahakot sa trak ng basura. Ngunit dahil sa pagtitipid ng barangay, sinunog na lamang sa isang bakanteng lote sa loob ng isang subdibisyon ang mga ito na lumikha ng matinding usok at nakakasulasok na amoy. Wala ka­ming magawa kundi ireklamo namin sa Bureau of Fire dahil sa paglabag sa R.A. 9514 na kilala bilang Fire Code of the Philippines of 2008 Sec 13, Part VII, Rule XXV of Republic Act 8749 at Clean Air Act of 1999 na nagbabawal sa anumang bagay na pagsusunog ng basura. Dapat pagseminarin sila dahil wala po silang alam sa pagpapatupad ng mga ordinansa ng munisipyo at mga batas na umiiral sa a­ting bansa. Dapat pong ma­bigyan sila ng leksyon o kaukulang parusa upang hindi sila pamarisan. Gumagalang, Mr. Jun Hermida

Tinatawagan ng pansin: DILG Usec. Martin Dino, DILG’s office on Barangay Affairs. Sir, pakiimbestigahan naman po ang Barangay Captain ng San Luis Nabua, Camarines Sur na si Jose R. Jacob Jr. at mga kagawad nito. Dapat po ay sila ang ehemplo at magbigay ng kaalaman sa kanilang mga kababayan sa tamang pa­ngongolekta at pagtatapon ng mga basura ay sila pa ang numero unong lumalabag dito.

Tinatawagan din ng pansin si Region Director V. Gen Arnel Escobal. Sir, pakiimbestigahan po ang ginawa ng sinasabing mga kilalang mga siga sa lugar ng Nabua matapos pagbabatuhin ang isang Kapilya ng INC dito habang sila umano ay nagsasagawa ng pagpapanata. Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig.

NOTE: Problema sa SSS, GSIS, PAG-IBIG Homeowners  at iba pa. cellphone no. Smart 09420874863/ 09755770656 email address: Misyonaksyon@yahoo.com/ arnel_petil@yahoo.com/arnelpetil12@gmail.com  http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon / Arnel Petil)

164

Related posts

Leave a Comment