(NI BETH JULIAN)
KINONTRA ni newly installed Anti-Red Tape Authority Director General Atty. Jeremiah Belgica ang obserbasyon ng mga kritiko na umiiral ang nepotismo sa kaso nilang magkapatid at mag-aama.
Kamakailan ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Atty. Jeremiah sa ARTA, pangatlong Belgica sa administrasyong Duterte na mayroong puwesto sa pamahalaan .
Iginiit ni Belgica na wala silang nilalabag na batas kontra nepotismo.
Katwiran ni Belgica, una sa lahat ay ang Pangulo mismo ang nagtalaga sa kanilang magkapatid na si Commissioner Greco Belgica at sa kanilang ama na si Greco Belgica.
Sinabi ni Jeremiah na napasok lamang ang isyu ng nepotism kung isa sa kanyang miyembro ng pamilya ang naglagay sa kanya sa puwesto sa gobyerno.
Nagpasalamat naman si Jeremiah sa tiwala na ibinigay sa kanya ng Pangulo sa kanilang mag-aama at tiniyak ang suporta sa anti corruption campaign ng administrasyong Duterte.
Nito lamang nakalipas na linggo ay itinalaga ng Pangulo si Atty. Jeremiah na pamunuan ang ARTA habang ang ama na si Grepo ay itinalaga ng Pangulo noong Mayo bilang Presidential Adviser for Religious Affairs.
Tumatayo namang commissioner sa Presidential Anti Corruption Commission si Greco Belgica.
136