NEW SC JUSTICE KINUMPIRMA

KAPWA kinumpirma nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Presidential spokesperson Harry Roque ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay dating Court of Appeals Justice Joseph Ilagan- Lopez bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema.

Sinabi ni Sec. Roque na pinirmahan ng pangulo ang appointment paper ni Justice Lopez nitong Enero 25.

Inaasahan aniya ng pangulo na paiiralin ni Justice Lopez ang judicial independence at rule of law at ipagpapatuloy ang reporma sa court processses ng bansa.

Si Justice Lopez aniya ay isang produkto ng UP College of Law, dating konsehal, dating City fiscal ng Maynila bago pa siya italaga bilang Court of Appeals Justice. (CHRISTIAN DALE)

69

Related posts

Leave a Comment