DISTRIBUSYON NG COVID VACCINES KASADO NA

INILATAG na ng gobyerno ang sistema na ipatutupad kaugnay sa pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccines hanggang sa ito ay maibigay sa mga recipient.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, mula sa paliparan ay kukunin ang mga paparating na bakuna ng refrigerated trucks.

At mula sa airport ay dadalhin naman ito sa DOH rented private warehouse o sa RITM at mula roon ay dadalhin sa regional warehouse at hub.

Habang ang susunod na destinasyon ng mga bakuna ay sa rural health units na at sa mga city health office hanggang sa maibigay sa ating mga kababayan.

Samantala, nangangailangan ng negative to negative 8 hanggang negative 20 ang bakuna na aangkatin ng pamahalaan. (CHRISTIAN DALE)

64

Related posts

Leave a Comment