NEXT PNP CHIEF PALAISIPAN PA

PALAISIPAN pa kung sino ang susunod na hihiranging hepe ng Philippine National Police (PNP).

Kasunod na rin ito ng pag-amin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na wala pa siyang naisusumiteng ‘shortlist’ ng posibleng maging susunod na PNP chief.

Si PNP Chief Dir Gen Benjamin Acorda ay magreretiro sa darating na March 31.

Sa press briefing sa Malakanyang, todo puri si Abalos kay Acorda na aniya’y maraming nagawa sa PNP dahil sa malawak na karanasan nito.

Sa katunayan, “excellent job” ang paglalarawan ni Abalos sa naging trabaho ni Acorda sa PNP, kaya maging sa mga hinaharap na panahon ay mararamdaman ang mga nagawa nito sa kapulisan.

Noong Disyembre 4, 2023 pa dapat nagretiro si Acorda ngunit pinalawig ito ni Pangulong Marcos ng hanggang March 31 ngayong taon.

(CHRISTIAN DALE)

20

Related posts

Leave a Comment