NFA PATULOY NA BIBILI NG PALAY SA MGA MAGSASAKA

palay12

(NI FRANCIS SORIANO)

HINIKAYAT ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na direktang ibenta ng magsasaka ang mga aning palay sa alinmang tanggapan ng National Food Authority (NFA).

Ayon kay Piñol, magpapatuloy pa rin ang pagbili nila ng palay sa mga magsasaka kahit may rice tariffication.

Sa bagong implementing rules and regulation ng batas, bibilhin umano ang mga palay sa halagang P20.40 sa mga individual farmers habang P20.70 naman sa mga cooperative.

Dagdag pa nito, hindi na rin umano balakid ang magiging requirement gaya ng passbook sa pagbebenta ng ani sa ahensya at cash to cash na umano ang pagbili nito sa mga nagbebenta ng mga palay na nagmula sa magsasaka.

Matatandang  target ng NFA-Central Luzon na bumili ng nasa 2.5 milyon sako ng palay na katumbas lamang ng 3.5 porsyentong ani sa buong rehiyon ng mga magsasaka kung saan ilalaan sa panahon ng kalamidad o biglaan pangangailangan ng bansa.

310

Related posts

Leave a Comment