NO VIP TREATMENT SA ANAK NI FAELDON

no vip

SINIGURO ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi bibigyan ng special treatment ang anak ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon. Inihayag ni PNP Chief Oscar Albayalde nitong Linggo, hindi naman tumawag sa kanya si Faeldon hinggil sa pagkakaaresto sa anak niya sa isang umano’y drug den sa Naga City.“No special treatment. Wala whatsoever,” ani Albayalde.

Magandang assurance rin aniya na sa BuCor chief na mismo nanggaling na hindi kukunsintihin sakaling mapatunayang may kasalanan ang kanyang anak. Samantala, nananatili sa kostudiya ng Naga City Police Office (NCPO) ang anak ni Faeldon na si Nicanor Faeldon Jr., at ang tatlong iba pang arestado sa drug den sa Barangay Mabolo noong nakaraang linggo.

Sinabi ni SPO2 Toby Bongon, tagapagsalita ng NCPO, naisampa na sa City Prosecutor’s Office noong Sabado, Disyembre 15, ang kaso laban kay Nicanor Jr. o mas kilala sa tawag na JR gayondin sa ama ng kasintahan niyang si Russelle “Bubbles” Lanuzo, Manuel Nebres at Allan Valdez.Makaraan ang isinagawang pag-aaral ng mga pulis, imbes paglabag sa Sec. 7 o ang ‘visiting a drug den’ sa ilalim ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kaso ni JR, napalitan aniya ito ng paglabag sa Sec. 6 o ang “maintenance of a drug den.”

Bagama’t walang direktang kinalaman sa transaksyon ng iligal na droga, ngunit malinaw aniya na alam nito ang iligal na aktibidad sa lugar ngunit pinili niyang manahimik dahil ama ng kanyang kasintahan ang target ng isinilbing search warrant. Mas mabigat din aniya ang nasabing kaso kumpara sa unang kinakaharap na asunto ng anak ng BuCor Chief.

Una rito, nilinaw ng PNP na bagama’t nagnegatibo ang resulta ng drug test ni JR, mananatili pa rin siya sa kanilang kostudiya upang kaharapin ang kaso.

 

4

Related posts

Leave a Comment