‘OBISPO’ SA SHABU ‘DI MIYEMBRO NG CBCP

pari

(PHOTO BY KIER CRUZ)

NAGPALABAS ng statement ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi Catholic bishop o pari ng Roman Catholic Church and obispo na nahuli sa anti-drug operations sa Bacoor, Cavite.

Ito ay matapos maaresto sa isang drug bust ang nagpakilalang si Bishop Richard Alcantara ng Sacred Order of Saint Michael (SOSM) congregation.

Gayunman, nilinaw din ng SOSM na ilang buwan na nilang tinanggal si Alcantara matapos maaktuhan ng kanilang sakristan na bumabatak ng droga.  Si Alcantara, 38, kasama ang dalawang alalay ay nahuli sa Barangay Alima, Bacoor, Cavite nang pagbentahan ng shabu ang mga pulis.

13

Related posts

Leave a Comment