SATELLITE CAMP NG MAUTE-ISIS NAKUBKOB NG MILITAR

maute

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakubkob ng 103rd ‘Haribon’ Infrantry Brigade ang satellite camp ng Maute-ISIS sa Sultan Dumalondong, Lanao del Sur matapos ang 10-oras na bakbakan.

Mahigit sa 20 natitirang miyembro ng Maute-ISIS ang nakasagupa ng militar kung saan tatlong miyembro ng terorista ang napatay at ikinasugat ng marami nitong kasamahan.

Sinabi ni Westmincom spokersperson Lt. Col. Gerry Besana na nakatakas man ang lider na si Abu Dar ay malaki umano ang posibilidad na hindi pa ito nakalalabas ng Lanao de Sur at patuloy nilang tutugisin.

6

Related posts

Leave a Comment