OFWs DAGSA SA TAIWAN, PERO PINAS ‘LAGPAK’ SA TAIWAN

taiwan phl12

(NI NELSON S. BADILLA)

MAHIGIT 60 porsyento ng mga dayuhang manggagawa sa Taiwan ay overseas Filipino workers (OFWs), ngunit nasa 3% lang ang puhunang inilagak ng Taiwan sa Pilipinas.

Ibinunyag ito ni Dr. Kristy Hsu, direktor ng Taiwan Asean Studies Center sa Chung Hua Institution for Economic Research (Chier), sa isinagawang symposium na inilunsad kamakailan ng Philippine Institute for Development Studies, Philippine APEC (Asia-Pacific Economic Cooperation) Study Center Network at ng Chier.

Ani Hsu, nasa 122,000 lahat ang OFWs sa Taiwan na higit 60 porsiyento ang lawak kumpara sa bilang ng ibang dayuhang manggagawa na naghahanap-buhay sa Taiwan.

Aniya, napakalaki ng bilang ng OFWs sa Taiwan kung saan nangangahulugang “substantial” ang nagagawa ng mga manggagawang Pilipino sa ekonomiya ng Taiwan.

Ngunit, inamin ni Hsu na napakanipis ng puhunang inilagak ng Taiwan sa Pilipinas.

“Sa kasamang-palad, nasa 3% lamang ang kabuuan ng aming investment sa Pilipinas. One-third ng aming kabuuang pamumuhunan ay napunta sa Vietnam,” wika ni Hsu sa Ingles.

“Bakit? [Ito’y] dahil sa populasyon at pamahalaan,” tugon ng opisyal.

Inamin niya na ang mga bansang “[l]ess democratic governments tend to be more efficient” kung bakit higit na malaki ang tiwala ng Taiwan sa Vietnam kumpara sa Pilipinas.

Ang Vietnam ay nasa ilalim ng pamamahala at pamumuno ng komunistang partido kung saan pinaiiral ang “diktadurya ng uring manggagawa at pesante.”

Gayunpaman, umaasa si Hsu na lalakas at lalago ang pamumuhunan ng Taiwan sa Pilipinas sa mga susunod na panahon bunga ng patuloy na pagpapalakas ng “pang-ekonomiyang relasyon” ng dalawang bansa.

 

 

193

Related posts

Leave a Comment