ALAGANG HAYOP PWEDE NA SA PUV

dog121

(NI DAHLIA S. ANIN)

NAGLABAS ng memo ang mga transport official na papayagan nang makasakay sa Public Utility Vehicle (PUV) ang mga alagang hayop na nais isama ng kanilang amo sa byahe.

Sa Memorandum Circular No. 2019-019 na may petsang April 15 na inilaba sa publiko noong Biyernes mula  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), papayagan nang sumakay sa mga PUV ang mga alagang hayop ngunit dapat ay nasa tama silang lagayan (carrier/carriages) at ilalagay sila sa mga nakalaan na compartment kung may ibang pasaherong kasabay.

Nakasaad din sa memo na ang mga pets na maaring isakay sa mga PUV ay walang mabahong amoy upang hindi maabala ang ibang pasaherong kanilang makakasabay.

Ang may-ari ng alagang hayop ay dapat  mapanatili ang kalinisan sa pagsakay sa mga PUV.

At kung may masirang gamit ang alagang hayop, ang may ari nito ang magiging responsable dito.

Ayon sa LTFRB hindi maaring isakripisyo ang kaligtasan, kaginhawaan at kaayusan ang byahe ng mga pasahero.

 

248

Related posts

Leave a Comment