OLD SCHOOL NA SISTEMA SA COA BABAGUHIN  

coa

(NI BERNARD TAGUINOD)

PANAHON na para i-mordenisa ang Commission on Audit (CoA) dahil mabilis ang pagbabago ngayon ng panahon pero naiiwanan ang nasabing ahensya na siyang nagbabantay sa paggastos sa pera ng mamamayan.

Ito ang layon ng House Resolution (HR) 2441 na inakda ni Misamis Oriental Rep. Julliet Uy kaya iginiit nito na magtakda ng Government Auditing Forum Summit ngayong taon.

Sa ilalim ng nasabing resolusyon, nais ni Uy pagtulungan ng Joint Executive-Legislative Development Council (LEDAC), national government agencies, local govermment units at CoA na magsama-sasama sa isang summit para mag-update ang Government Auditing Code ng bansa.

Nabatid na ang kasalukuyang State Audit Code ng bansa ay ginawa pa noong 1978 sa pamamagitan ng President Decree 1445 na inisyu ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Bagama’t naamyendahan ito noong noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 1987 sa pamamagitan ng Executive Order 292 at naging Constitutional Commission (CoA)  sa ilalim sa 1987 Constitution ay  halos wala pa ring ipinagbago at napag-iwanan na ng ibang bansa.

“In the forty-one (41) years since P.D. 1445 took effect and 32 years from the time E.O. 292 became law, there have been profound and widespread changes in the conduct of government auditing worldwide and in the fields of operations management, management science,  organizational development, and business practices which have bearing on how government agencies and other institutions are designed and operate,” ani Uy.

Dahil dito, kailangang mamordenisa na umano ang CoA para makasunod sa pagbabago ng panahon dahil sa mga makabagong teknolohiya kaya kailangang magkaroon na ang Auditing Forum summit ngayong taon.

“The modernization of government auditing throughout the country needs cross-sectional and multi-sectoral inputs and deliberation involving national government agencies, local government units, government-owned or controlled corporations, civil society institutions, and international observers,” ayon pa sa mambabatas.

 

11

Related posts

Leave a Comment