DALAWA na ang patay habang isa pa ang nawawala sa pagbaha at pagguho sa malaking bahagi ng Southern Mindanao bunga ng walang tigil na pag-ulan bunsod ng cold front.
Natabunan ng gumuhong lupa sina Dennis Pesadilla, ng Compostela at Rommel Gogo, ng Montevista. Noong Sabado pa binabayo ng malakas na pag-ulan ang lalawigan.
Si Pesadilla ay namatay nang matabunan ng mining village bandang alas-4:00 ng hapon ng Sabado gayundin si Gogo na natabunan nang gumuho ang isang bahagi ng bundok sa Barangay Tapia.
Nawawala naman ang 12-anyos na si Krisel Hermosura nang anurin ng tumaas na Handurumog River sa Nabunturan, Sabado ng hapon. Sugatan din ang kanyang lola nang nangkaing sagipin ang bata.
Linggo ng madaling araw ay umabot na sa 907 pamilya mula sa anim na lalawigan ang inilikas.
Wala ring kuryente sa Monkayo, ayon sa Davao del Norte
Davao del Norte Electric Cooperative (Daneco).
249