HINDI pinapayagan ng pamahalaan na mag-operate ang Philippine Online Gaming Operators (POGO) base sa guidelines na ipinalabas nito para sa implementasyon ng Enhanced Community Quarantine sa buong rehiyon ng Luzon.
Ang probisyon ay bahagi ng guidelines na isinapubliko ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, nitong Martes.
Ang operasyon ng POGO sa bansa ay malawak na tinalakay ng pamahalaan at mga mambabatas dahil na rin sa karamihan ng empleyado nito ay mga Intsik.
Sa presentasyon sa Senado, isiniwalat ni Senador Risa Hontiveros na laganap umano ang illegal recruitment, illegal detention, at sexual harassment sa POGO industry.
Iginiit naman ng Pangulo na “no corruption” sa POGO establishments. CHRISTIAN DALE
91