OPOSISYON NG KAMARA: ‘DI KAMI ANG NAGPALUTANG KAY ACIERTO

acierto12

(NI BERNARD TAGUINOD)

PINALAGAN ng oposisyon sa Kamara ang akusasyon na sila ang nagpalutang kay ex-Police Gen. Eduardo Acierto upang ibunyag ang pagkakasangkot umano ni dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte sa malaking sindikato ng droga.

Kasabay nito, humingi naman ng independent body na mag-iimbestiga sa expose ni Acierto  upang maiwasan ang whitewash. Isinangkot ni Acierto sa illegal drug trade and dalawang Chinese nationals na malapit umano kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, masyadong seryoso ang alegasyon ni Acierto na ang dating economic adviser ni Duterte na si Michael Yang at isang Allan Lim ay mga sangkot sa ilegal drug trade sa bansa.

Inireport mismo umano ni Acierto ang natuklasan niya sa Malacanang at maging sa mga opisyales ng Philippine National Police (PNP)) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  subalit hindi ito binigyan ng pansin.

“Seryoso at mabigat na paratang ito mula sa isang beteranong operatiba laban sa ilegal na droga ng mismong PNP. Kailangang meron independent investigation hinggil dito dahil may posibleng cover-up sa nasabing intelligence report,” ani Villarin.

Iginiit din nito na kailangang proteksyunan  si Acierto dahil nanganganib ang buhay nito sa pagsisiwalat ng  intelligence report sa mga negosyanteng malapit kay Duterte.

Hindi naman nagustuhan ni  Magdalo party-list Rep. Gary Alejano na ibinabaling ni Duterte ang atensyon ng publiko sa expose ni Acierto sa pamamagitan ng pagbibintangan nang walang basehan sa oposisyon na sila ang nagpalutang sa dating police general.

“Address the issue head on instead of brushing it aside and divert the issue by attacking the messenger at pagbintangan ang oposisyon. Libo na ang pinatay sa ilalim ng war on drugs marapat lamang na imbestigahan at liwanagin ang napakaseryosong alegasyon na nakaabot na ang alleged druglords   sa Malacañang,” ani Alejano.

 

68

Related posts

Leave a Comment