‘WALANG DAPAT IPANGAMBA SA CHICO RIVER LOAN PROJECT’

carpio12

(NI TERESA TAVARES)

SINOPLA ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang banta ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na posibleng magsilbing collateral ang gas reserves ng bansa sa nilagdaan na irrigation project loan agreement ng Pilipinas sa China.

Wala aniyang dapat ipangamba dahil ang halaga ng inutang ng Pilipinas sa China ay nasa $100 million lamang na maliit na halaga sa kabuuang foreign debt ng bansa.

Una nang nagbabala si Carpio na maaring kunin ng China ang assets ng Pilipinas kabilang ang oil at gas mula sa Reed Bank kung pumalpak ang pagbabayad sa P3.6 billion loan contract para sa Chico River irrigation project.

Naniniwala si Guevarra na malayo sa katotohanan na isusuko ng Pilipinas ang  Reed Bank dahil mayroon mga inilatag na mekanismo sa sandaling pumalpak ang bansa sa pagbabayad sa China.

Hindi aniya dapat nagpapakalat ng pangamba ang sinuman dahil kinikilala ng Pilipinas ang lahat ng loan obligation nito.

80

Related posts

Leave a Comment