OVERBOOKING, OFFLOADING NG CEBU PAC SISIYASATIN

PAIIMBESTIGAHAN ni Senador Nancy Binay ang reklamo ng overbooking na nagreresulta sa offloading gayundin ang online booking glitches laban sa Cebu Pacific.

Sinabi ni Binay na maghahain siya ng resolution para hilingin sa Senado ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga reklamo ng mga pasahero ng airline company na na-offload nang walang malinaw na dahilan.

Iginiit ng senador na hindi katanggap-tanggap na matapos isakripisyo ng isang pamilya kasama ang mga bata ang kanilang tulog, sumabak sa trapik at apat na oras bago ang flight ay nasa airport na subalit hindi pinayagang makasakay sa eroplano at pinauwi.

Binigyang-diin ni Binay na dapat nang umaksyon ang gobyerno upang matiyak ang transparency sa pagpapatupad ng overbooking ng mga airlines at mahigpit na implementasyon ng Air Passenger Bill of Rights.

Sa dami anya ng mga reklamo ng mga pasahero, maiisip ng publiko na napaka-hassle mag-travel sa Pilipinas lalung-lalo na kapag peak seasons tulad ng Holy Week, Christmas season at summer season.

Inirekomenda ng mambabatas na kapag peak season ay i-ban ang overbooking sa domestic at international flights at kung mayroong ‘no-show’ passengers dapat itong ibigay sa ‘chance passengers’. (DANG SAMSON-GARCIA)

167

Related posts

Leave a Comment