HINDI pa man nakababangon ang Manila Water sa ngitngit ng consumers at sa hinihinging rebate, isa pang krisis ang kinakaharap nito matapos imungkahi ni Akbayan Rep. Tomasito Villarin na bayaran ang mga health centers sa perwisyong ginawa sa pagkawala ng supply ng tubig.
Sinabi ni Villarin na dapat bayaran ng Manila Water ang gobyerno ng kahit P1.4 milyon dahil sa krisis na ginawa sa mga health centers mula Marso 8 hanggang 18.
Inamin ng Manila Water, sa House hearing, na mula pa noong Marso 6 ay nakararanas na umano sila ng ‘supply deficit’ at ang itinuturong dahilan ay ang mababang lebel ng tubig sa La Mesa Dam.
Idinagdag ng kongresista na ang water shortage ay nakalikha ng health crisis dahil anim na pampublkong ospital sa Metro Manila ang naapektuhan ng kawalan ng supply ng tubig.
Ang susunod na hakbang umano ay ang rebate sa singil sa tubig sa mga ospital at consumers ng Manila Water, ayon pa kay Villarin.
337