WALANG PATAWAD: LIBEL CASE NI PULONG, CARPIO VS TRILLANES TULOY

pulong

TULOY ang kasong libel ni dating Davao City vice mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte at ng kanyang bayaw na si Atty. Manases Carpio laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay matapos na hindi pumayag ang kampo ni Duterte sa mediation na naganap noong Marso 22 base sa kautusan ni Davao City Regional Trial Court Branch 54 Presiding Judge Melinda Alconcel- Dayanghirang.

Ayon kay Rainier Madrid, legal counsel ng kampo ng presidential son at son-in-law, pursigido ang kanyang kliyente na iakyat sa korte ang naturang kaso.

Nitong nakaraang Enero 15, nagpasok ng “not guilty” si Trillanes sa apat na bilang ng libelo na isinampa ni Duterte at Carpio.

Nag-ugat ang naturang kaso sa umano’y pagkakaugnay nina Duterte at Carpio sa shabu smuggling at pangingikil umano sa kompanyang Uber.

90

Related posts

Leave a Comment