P1.77-T INFRA PROJECTS DELIKADO

INFRA-3

Sa patuloy na paghagupit sa water concession deals

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

NANGANGANIB na maapektuhan ang P1.77-T infrastructure projects ng pamahalaan na popondohan sa pamamagitan ng private-public partnership deals sa patuloy na pagbatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa  water concession agreements ng Manila Water Co. Inc. at ng Maynilad Water Services Inc., gayundin sa pagbabanta niya na hindi ire-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Ito ang babala ni Romeo L. Bernardo ng Global Source Partners, country analyst for the Philippines, sa isang emailed report na ipinadala kamakailan.

“The continuing rants cannot but put these business groups in a somber mood, especially given the President’s strong one-sided demands,” nakasaad sa report ng consulting firm.

Ang tinutukoy ni Bernardo ay ang alok ni Duterte na bagong kontrata sa Manila Water at Maynilad, sa kondisyong  kapag tinanggihan ng dalawang water firms ang bagong kasunduan ay kakanselahin ang kanilang umiiral na concessions at magte-take over ang gobyerno sa water services sa bansa.

Nagbanta rin ang Pangulo na kakasuhan ng plunder o economic sabotage ang mga nasa likod ng sinasabing onerous water deals na binuo noon pang 1997 (panahon ni dating pangulong Fidel Ramos) na tatagal hanggang 2022 at pinalawig ng MWSS hanggang 2037 noong 2009 (panahon ni ex-pres. Gloria Macapagal-Arroyo). Gayunman ay binawi ang extension ng concession agreement makaraang matuklasan ang umano’y hindi makatarungang mga probisyon na nakapaloob dito.

Binanggit din ng analyst ang banta ng Pangulo na hindi ire-renew ang prangkisa ng ABS- CBN Corp. na mapapaso sa Marso.

Sa harap ng mga sitwasyong ito ay nagpahayag ng paniniwala si Bernardo na magiging higit na mapagbantay ang mga investor at creditor sa regulatory environment at kalaunan ay maaaring magresulta sa mas mataas na loan rates kung saan mapipilitan ang parent firms na pumayag sa ‘robust guarantees’ sa kanilang project loans.

Paliwanag ni Bernardo, ang sitwasyong ito ay hindi makabubuti sa public-private partnership  (PPP) projects at maaapektuhan ang pagsisikap ng gobyerno na ipatupad ang lahat ng proyektong pang-imprastruktura sa bansa.

Giit pa ni Bernardo, kailangang bantayang mabuti ang political at regulatory risks sa mga pangmatagalang proyektong pang-imprastruktura.

“Higher risk assessments that lead to larger risk premia on lending and/or stronger parent firm guarantees to secure credits would spell bad news for PPP projects and government efforts to build up the country’s infrastructure, something that would extend well beyond the term of this administration,” nakasaad pa sa report.

Nauna na ring nagbabala ang Fitch Solutions Macro Research na ang desisyon ng pamahalaan na baguhin ang kontrata sa Maynilad at Manila Water ay maglalagay sa private firms contracting sa gobyerno sa ‘high regulatory risk’.

Nangangamba rin si Bernardo na maaaring magkaroon ng problema ang Maynilad at ang Manila Water sa pagpondo sa ‘future investments’ kapag pinilit na tanggapin ang lahat ng ‘10 o higit pa’ na revisions sa bagong  water contract na umano’y pabor lamang sa gobyerno.

“Hence, we cannot totally rule out the dreaded wild card, i.e., nationalization of water distribution services,” aniya.

Ang initial list ng siyam na PPPs mula sa 75 government infrastructure projects ay ginawang 26 PPPs mula sa 100, o may karagdagang 17 PPPs.

Ang mga proyektong popondohan sa pamamagitan ng PPP ay magkakahalaga ng P1.77 trillion mula sa P4..2 trillion na kabuuang halaga ng flagship project.

132

Related posts

Leave a Comment