P1-B PONDO NG DA PINAGAGAMIT VS ASF

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

IPINAALALA ni Senador Sonny Angara na mayroong P1 bilyong Quick Response Funds (QRF) ang Department of Agriculture sa ilalim ng kanilang calamity fund na maaaring gamitin laban sa pagkalat ng   African Swine Fever (ASF).

Sinabi ng chair ng Senate finance committee na dapat nang gamitin ng DA ang emergency fund upang labanan ang banta sa food source.

Binigyang-diin ng senador na nasa P280 bilyon ang naidaragdag ng industriya ng magbababoy sa ekonomiya.

“This ASF is by all accounts a calamity. It may not have the dramatic footage that typhoons create, but in terms of damage to livelihood, and the households affected, it is just as damaging,” saad ni Angara.

Iginiit ni Angara na kailangan ngayon pa lamang ay kumilos na laban sa ASF bago pa nito wasakin ang buong industriya at mawalan ng trabaho ang libu-libong mamamayan.

“If agriculture disasters like pests, droughts and ASF are rated, the latter has the potential of becoming a high-category calamity, “ diin ni Angara.

Maaari anyang kunin ang pondo na gagagastusin sa anti-ASF measures sa P20 bilyon na National Disaster Risk Reduction and Management Fund o calamity fund.

Nabatid na noong September 10, nagpalabas ang  Department of Budget and Managed ng P82.5 million sa DA para sa mga hakbangin laban sa ASF.

“It is good that we’re strengthening our quarantine curtains, but what we lack are funds to fight ASF on the ground lalo na ngayon na fully mobilized na ang mga local governments.  In the future, ito siguro ang mangangailangan ng pondo,” dagdag nito.

“But if the ASF epidemic will worsen, and will down many farms, and some financial aid for those stricken is needed, then this can be included in the 2020 budget.  Eh yan naman kasi will take effect less than 100 days from now,” giit pa ng mambabatas.

Bukod anya sa isyu ng ASF, dapat na ring pag-isipan ng gobyerno kung paano mapalalakas ang food biosecurity at food safety measures.

“Kung kailangan ma-pondohan ang ganyang concern sa national budget, bukas ang Senado sa anumang suggestion from our friends in the DA,” diin ng mambabatas.

130

Related posts

Leave a Comment