‘BLEEDING INK’ SOSOLUSYUNAN NG COMELEC

comelec122

(NI HARVEY PEREZ)

TINIYAK ng  Commission on Elections (Comelec) sa publiko na magbibigay sila ng mha replacement  markers kasunod ng naiulat na insidente ng  blotting pens sa ginanap na overseas absentee voting (OAV).

“Papalitan namin ‘yun  and we still have time and election officers are already ready also to purchase kung kukulangin pa rin ,” ayon kay  Frances Aguindadao-Arabe, director of Comelec’s Education and Information Department.

Nabatid din na ang mga sumobrang markers noong 2013 at 2016 elections ay maari pang gamitin dahil sa napakaayos pa ng mga kondisyon nito.

Nalaman umano ni Arabe ang problema sa ginanap na OAV noong Abril pero hindi kaagad nalaman kung saan post ito nangyari.

“It was used during the overseas absentee voting, ‘yung pen na ‘yun so mayroong nag-smudge sa ating [voting] machine and then we had to replace some of the machines,” ayon kay Arabe.

Sinabi ni Arabe na ang “bleeding inks” ay maaring maka-mantsa sa VCM scanners at sanhi nito maaring hindi mabasa ng machine ang balota.

Sinabi ni Arabe na 10 araw pa ang nalalabi para sa halalan at kaya pang magdagdag ng mga pen markers.

130

Related posts

Leave a Comment