(NI BERNARD TAGUINOD)
ISANG milyong pisong multa na may kasama pagkakakulong na hindi bababa sa limang taon ang naghihinay na parusa sa mga taong tumatawag sa mga tanggapan, pribado man o pampubliko na mayroong nakatanim na bomba sa kanilang lugar.
Sa Mayo ay nakatakda nang ipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 9059 0 “Anti-False Bomb Threat Act”na inakda nina Marikina Rep. Miro Quimbo at Antipolo City Rep. Romeo Acop matapos itong lumusot na sa ikalawang pagbasa,
Inaamyendahan ng nasabing panukala ang Presidential Decree No. 1727, o “An Act Declaring as Unlawful the Malicious Dissemination of False Information of the Willful Making of Any Threat Concerning Bombs..” kung tinaasan ang multa ng P1 milyon mula sa kasalukuyang P40,000.
Pinanatili sa nasabing panukala ang parusang pagkakakulong na hindi lalagpas ng limang taon at ayon kay Quimbo, sa laki ng multa ay magdadalawang isip na ang mga pranksters na magpadala ng bomb threat.
Karaniwang nakakatanggap ng bomb threat ang mga eskuwelahan at mga tanggapan ng gobyerno subalit matapos suriin ng mga otoridad ang kanilang pasilidad ay lumalabas na wala namang bomba.
“Every false bomb threat which alarms an area leads to unnecessary anxiety for the people, disruption of regular activities, economic costs from the opportunity lost for productivity due to evacuation activities, waste of law enforcement and emergency response resources as well as time spent which should have been used for more pressing public concerns, among others,” ani Quimbo.
Dahil dito, kailangan aniyang matigil na ang mga bomb threat na ito sa pamamagitan ng malaking multa upang magdalawang isip ang mga tao na magbiro dahil sa puwerhuwisyong idinudulot ng mga ito.
Umaasa ang graduating Congressman na si Quimbo na maging batas ang nasabing panukala bago matapos ang 17th Congress dahil kung hindi ay magpapatuloy ang bomb threat dahil maliit lang ang multa sa lumang batas na hindi kinatatakutan ng mga pranksters.
306