P10-B PONDO PARA SA NTF-ELCAC? NO WAY! – GABRIELA

ISANG malaking kasalanan sa taumbayan kung bibigyan ng P10-bilyong budget ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ayon sa isang militanteng kongresista.

Litanya ni Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas, lubhang nakakabahala ang pag-amin ni House Committee on Appropriations Committee chairman Rep. Rizaldy Co hinggil sa planong ibalik sa P10 bilyon ang 2023 budget ng NTF-ELCAC.

Sa bersyon ng Kamara, P5 bilyon lang ang pondong inaprubahan ng kongreso.

Tugon naman ni Co, lubhang mahalaga para sa pamahalaan na bigyan ng sapat na pondo ang NTF-ELCAC para tuluyan nang matapos ang suliranin sa insurhensiya sa bansa.

“Congress recognizes the important role the NTF-ELCAC plays to help end the country’s decades-long insurgency. Thus, we will convince our Senate counterparts in the bicameral conference committee to restore the agency’s proposed budget,” ani Co.

Gayunpaman, iba ang pananaw ng minorya sa Kamara. Paniwala pa ni Brosas, ginagamit lang ang pondo sa red-tagging at vilification sa mga community leaders at organizers sukdulang malagay sa peligro.

“Hindi rin naman nito masasagot ang isyu ng kahirapan bagkus ay nakikihati pa ito sa pondo na dapat sana’t direktang ibinibigay sa mamamayan. Imbis na ibalik ang budget para rito, dapat tuluyan ng tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC at paglaanan na lang ang mga serbisyong mas kapakipakinabang,” ayon pa sa lady solon.

Samantala, muling nanawagan ng Makabayan bloc sa mga kapwa kongresista na suportahan ang kanilang panukalang pagbuwag sa NTF-ELCAC na anila’y nagsilbing berdugo ng nakaraang administrasyon laban sa mga kritiko. (BERNARD TAGUINOD)

50

Related posts

Leave a Comment