P10-M FEDERALISM FUND NILINAW NG PCOO SA COA

pcoo22

(NI BETH JULIAN)

IGINIIT ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Marie Rafael na naisumite na nila noong Mayo ang liquidation at progress report kung paano ginamit ang P10 pondo sa kampanya sa Pederalismo noong nakalipas na taon.

Ito ang pagpalag ng PCOO sa annual audit report ng Commission on Audit (COA) na nagsasaad na nabigo ang ahensya na magsumite ng buwanang report.

Tinanggap ng PCOO ang P10 milyon pondo sa Department of Budget and Management noong October 2018 kung saan hindi lahat ng pondo ay nagamit dahil sa matagal na proseso sa paglilipat nito sa attached agencies ng ahensiya.

Base sa report, mayroong natirang P8.5 million pondo na ibinigay sa National Treasury noong December 31, 2018, at muling ibinigay sa PCOO noong March 2019.

“Due to the delay and changes in the requirements and deliverables for the campaign, a part of the fund remained unspent,” paliwanag ni Rafael.

Gayunman, tiniyak ni Rafael na magpapatuloy ang kanilang kampanya para maintindihan ng mamamayan ang mga bentahe ng isang bansang may sistemang Pederalismo.

388

Related posts

Leave a Comment