(NI BERNARD TAGUINOD)
MATAPOS maglaho sa nakaraang dalawang dekada, muling ibinalik umano ni Department of Budget and Managemeng (DBM) Secretary Benjamin Diokno ang ‘kickback system’ sa kontrata ng Departent of Public Works and Highways (DPWH) sa pamamagitan ng pag-iipit sa bayad ng mga natapos na proyekto,
Ito ang panibagong alegasyon ni House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., laban kay Diokno matapos matuklasan na umaabot na sa P100 billion ang payables ng mga DPWH projects na ayaw bayaran ni Diokno.
“Utang ito ng DBM sa mga government contractors na lumobo nang mahigit sa P100 bilyon sa pagsasara ng taon. Hanggang ngayon, malaki pa ang halagang hindi nababayaran ng DBM sa mga utang na ito,” ani Andaya.
Dati na itong ginawa umano ni Diokno noong unang maging DBM Secretary ito ni dating Pangulong Joseph Estrada,, 20 na ang nakakaraan, na isang sistema para pasukain ang mga kontraktor ng lagay para mabayaran lamang sila ng DBM.
“Bumalik na naman ang lagayan sa DBM at DPWH para mabayaran lang ang mga contractors. According to my sources, the release of payment from the DBM to DPWH varies per engineering district. Some districts were paid 10% only, others 30%. Depende sa lagayan. Yung hindi naglalagay, zero payment,” ani Andaya.
Dahil dito, napipilitan umano ang mga kontraktor na sumuka ng malaking
halaga upang mabayaran lamang sila sa mga proyektong natapos nang gawin.
Nalaman din umano ni Andaya 99% sa mga kontraktor ang hindi binabayaran ng buo kahit tapos na ang kanilang proyekto, kundi hinuhulughulgan lamang sila na walang ipinagkaiba sa pagbayayad ng credit cards
“In short, the DBM has resorted to rationing of payments. If there was rice shortage before, now there is cash shortage thanks to Sec. Diokno,” ani Andaya at isa aniya ito sa mga dahilan kung bakit tinutulan ng mga ito ang isinusulong ng kalihim na cash-based budgeting.
Sa ilalim ng cash-budgetting, lahat ng pondo sa isang taon ay kailangan magastos at hindi na puwedeng gamitin ito sa sumunod na taon bagay na kinontra ng dalawang Kapulungan ng Kongreso upang magtuloy-tuloy ang mga proyekto noong 2018 hanggang 2019.
126