(NI BETH JULIAN)
BAGAMA’T tapos nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 national budget, halos nasa P100 bilyon naman mula sa kabuuang P3.757 trilyon halaga ng pondo ang kanyang nai- veto.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang ginawang pag veto ng Pangulo sa P95.3 bilyon na bahagi ng 2019 national budget ay itinuring na lihis sa Saligang Batas.
Sinabi ni Panelo na idinahilan ng Pangulo na hindi naman prayoridad ng pamahalaan ang mga proyektong nakapaloob sa P95.3 bilyon sa national budget kaya hindi nito hinayaang makalusot ang karagdang halaga ng pondo.
“Kahit tawagin pang ‘pork, beef, meat o fish’ ito, malinaw na ang punto rito ay may nalabag sa probisyon ng Saligang Batas, ” wika pa ni Panelo.
Gayunman, inamin ni Panelo na wala itong alam kung kanino nakalaan sana ang P95.3 bilyon, kung sa mga kaalyado ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa Kongreso o P20 bilyon mula sa nasabing figures ay para laan sana sa mga senador.
Lunes ng hapon nang kumpirmahin ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pinal nang nilagdaan ng Pangulo ang 2019 national budget.
Sa pahayag naman ni Senate President Vicente Sotto lll, ang na-veto ng Pangulo ay ang mga insertions ng Kamara matapos itong aprubahan ng bicameral conference.
“President vetoed P95.3 B for not part of the President’s priority projects,” mula sa text message ni Medialdea sa Malacanang reporters.
133