P125 SRP SA IMPORTED RED ONION SA NCR

BILANG pagsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagsama-samahin ang lahat ng stakeholders at tugunan ang usapin ng overpriced red onions sa merkado, nagpalabas ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) na P125 kada kilogram ng medium- at big-sized imported red onion sa mga wet market sa loob ng National Capital Region (NCR).

“[I]n order not to aggravate the current difficulties of the Filipino people affected by the pandemic and rising fuel prices, there is a need to guide the consuming public on the reasonable prices of basic necessities in the market,” ang nakasaad sa Administrative Circular No. 5, may petsang Pebrero 6, 2023.

Kagyat na magiging epektibo ang SRP sa oras na mailathala ito sa mga pahayagan at mananatiling epektibo sa loob ng 60 araw mula nang aprubahan maliban na lamang kung “revised, revoked at/o lifted.”

Matatandaang, sumirit ang presyo ng sibuyas sa P600 kada kilo noong huling linggo ng Disyembre 2022, dahilan para magpalabas ang DA ng sanitary and phytosanitary import clearance (SPSIC) sa importasyon para dagdagan ang local supply nito.

Ang monitoring ng DA sa basic necessities at prime commodities ang dahilan at naging batayan para magtakda ng SRP. (CHRISTIAN DALE)

104

Related posts

Leave a Comment