P150 LEGISLATED WAGE HIKE BILL APRUB NA SA SENATE COMMITTEE

APPROVED in principle na ang panukalang P150 legislated wage hike bill o ang Senate Bill 2022 na inihain ni Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri.

Sa pagtatapos ng una at huling hearing ng Senate Committee on Labor, nagkasundo ang mga senador na bumuo ng technical working group upang pag-aralan ang sistema ng pagkakaloob ng dagdag sahod para sa pribadong sektor.

Partikular dito ang ibibigay na dagdag sahod o ang graduated wage increase scheme sa mga manggagawa ng mga Micro Small and Medium Enterprises.

Sinabi ni Zubiri na inaasahan nilang mailalabas ang Committee Report sa susunod na dalawang linggo at maipapasa ang panukala bago mag-adjourn sa Hunyo.

Sa pagdinig, kinondena ng mga senador ang Department of Labor and Employment dahil nawalan ng ngipin ang batas para sa pagpapasahod at mga benepisyo sa mga manggagawa.

Batay sa datos, ang kinakailangan sahod ng isang pamilya na may limang miyembro ay P1,161 subalit ang minimum wage ngayon ay P570 lamang sa National Capital Region. (DANG SAMSON-GARCIA)

160

Related posts

Leave a Comment