RIGODON SA GABINETE NI MARCOS JR. KASADO

(CHRISTIAN DALE)

TIYAK na ang pagbabagong-bihis sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtatapos ng appointment ban sa mga talunang kandidato na tumakbo noong nakaraang eleksyon sa bansa.

Ang pagtatapos ng appointment ban ay nitong Mayo 9, 2023.

Inamin ng Pangulo na masigasig siyang magtalaga ng ilang indibidwal sa ilang posisyon na hindi na sakop ng prohibisyon.

“Marami. Talagang gagamitin mo ‘yung one year. Asahan niyo ‘yun. By the end of the first year magiging maliwanag in the sense na tapos na yung OJT ng lahat ng tao. We’ve seen who performs well and who is– will be important to what we are doing,” ayon sa Pangulo.

“So, yes, there’s still going to be… I don’t know about ‘reshuffle’ pero reorganization sa gabinete,” dagdag na wika ng Pangulo.

Hindi naman pinangalanan ni Pangulong Marcos at hindi rin ito nagbigay ng anomang pagkakakilanlan sa mga personalidad na nasa kanyang listahan na bibigyan niya ng government post.

Nakasaad sa Section 94 ng Local Government Code na “Appointment of Elective and Appointive Local Officials; Candidates Who Lost in an Election. – (a) No elective or appointive local official shall be eligible for appointment or designation in any capacity to any public office or position during his tenure.”

“Unless otherwise allowed by law or by the primary functions of his position, no elective or appointive local official shall hold any other office or employment in the government or any subdivision, agency or instrumentality thereof, including government-owned or controlled corporations or their subsidiaries,” dagdag nito.

310

Related posts

Leave a Comment