P16.8-B TINANGGAL SA DOH BADYET IPINABABALIK

SEN DRILON-1

(Ni NOEL ABUEL)

IGINIIT ni Senador Franklin Drilon na ibalik kahit P16.8 bilyon lamang ng P28 bilyong tinanggal ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa badyet ng Department of Health (DOH) para sa susunod na taon.

Sa kanyang apila sa Senate Finance Committee, idiin ni Drilon na malaking dagok hindi lamang sa DOH, kundi sa mga mahihirap na pinagsisilbihan ng pamahalaan kung mababawasan ng bilyun-bilyong pondo ang nasabing kagawaran.

Hindi makatwiran na bawasan ng malaking halaga ang pondo ng DOH dahil isa ito sa ahensiya ng pamahalaan para ilarga ang social protection program nito sa publiko, tugon ng mambabatas.

Idinagdag pa ni Drilon na siguradong makakaapekto sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng DOH kung itutuloy ang P28 bilyong ibinawas sa badyet nito para sa susunod na taon.

Kaya, kahit P16.8 bilyon ay panatilihin ng Senate Finance Committee.

Nahaharap sa iskandalo ang mungkahing P3.757 bilyong badyet ng administrasyong Duterte para sa susunod na taon dahil sa kaliwa’t kanang pork barrel na ikinarga sa ilang kongresista na ‘malapit’ at ‘kaalyado ng administrasyon’ kanilang sina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na may P2.4 bilyong pork barrel sa kanyang distrito, Majority leader Rolando Andaya Jr. na P1.9 bilyon para sa kanyang distrito, Rep. Pantaleon Alvarez ay P5 bilyon ang nakopong pork barrel para sa kanyang distrito, P3.5 bilyon naman para sa distrito ni Rep. Rodolfo Farinas at ang napunta kay Rep. Karlo Nograles ay P3.5 bilyon.

7

Related posts

Leave a Comment