IPINASA na ng Sangguniang Panglunsod ng Quezon City ang resolusyon nito na naghihikayat kay Mayor Herbert Bautista na bigyan ng 14 th month pay ang mga kawani ng pamahalaang lokal.
Ayon sa City Resolution 7651-2018 na inakda nina Councilors Allan Butch Francisco, Godofredo Liban II, Eric Medina, at Hero Bautista ay patungkol Personnel Emergency Relief Allowance (PERA) na ang layunin ay bigyan ng subsidiya bilang tulong na magagamit ng mga kawani sa kanilang mga gastusin ngayong kapaskuhan.
Bukod sa mga regular, isinama rin ng mga konsehal sa mga makatatanggap ng 14 th month pay ang mga contractual at consultant employees.
Ayon sa resolusyon, “In 2016, Quezon City collected more than its target of P17 billion, and last year, the State Auditor reported that QC exceeded its target by 12 percent from 17.72 billion to 18.370 billion or P650.313 million.”
“With the sound of financial management of the city, it is high time that the salaries of employees must be taken into consideration,” giit ng resolusyon.
Naniniwala si Konsehal Bautista na tatanggapin ng kanyang kapatid na si Mayor Bautista ang resolusyon ng konseho para sa interes ng mga kawani ng pamahalaang lokal ng lungsod.
264