P162.5M TAX EVASION VS RAPPLER TULOY

RAPPLER-2

(Ni TERESA TAVARES)

TULOY ang pagsasampa ng P162.5 million tax evasion case laban sa kilalang mamamahayag na si Maria Ressa at sa online news na Rappler.

Ito ay matapos ibasura ng Department of Justice (DOJ) ang apela ng Rappler Holdings Corporation (RHC) at ng presidente nito na si Maria Ressa na mabaligtad ang naging desisyon ng DOJ na masampahan sila ng kasong tax evasion. 

Sa resolusyon ng prosecution panel na pinangunahan ni Assistant State Prosecutor Zenamar J.L. Machacon-Caparros, walang iprinisintang bagong depensa ang kampo ng Rappler upang mabaligtad ang kanilang ruling na maisampa na sa Court of Tax Appeals (CTA) at sa Pasig City Regional Trial Court ang kaso.

Nakasaad sa redolusyon ng DOJ na walang sapat na basehan upang  mapawalang saysay ang kaso.

Nahaharap ang Rappler sa paglabag sa Tax Code dahil sa hindi umano pagdeklara noong 2015 tax returns ng kabuuang PHP162.5-million.

172

Related posts

Leave a Comment