P168-M TAX EVASION ISINAMPA VS MISIS NG KAPA FOUNDER

kapareyna55

(NI HARVEY PEREZ)

SINAMPAHAN ng kasong P168 milyon tax evasion case  sa Department of Justice (DOJ) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang misis ni  Kapa Community Ministry International founder Joel Apolinario.

Sa reklamo ng BIR, nabigo umano si  Reyna Apolinario,  Kapa corporate secretary na magbayad ng tamang income tax na P163.9 milyon noong 2017 at P4.3 milyon noong 2018.

Nabatid din sa BIR na hindi nakapaghain ng income tax returns (ITR) mula noong 2013-2015  si Reyna o nagsumite ng  ITR noong  2017 at 2018, kung saan nagbayad ng  P172,100 noong 2017 at  P12 milyon noong 2018

Ibinulgar din ng NBI na sa 2018 financial statement ni Reyna na hindi nito idineklara ang kanyang source of income na nagkakahalaga ng P307 milyon noong 2017.

Nalaman din na nagmamay-ari si Reyna ng  siyam na sasakyan na hindi nakadeklara sa kanyang financial statements.

Lumabas din sa records na nagmamay-ari si Reyna ng 13 business enterprises kabilang na ang  hotel, gasoline stations, convenience stores, computer shops, quarry, convention center, restaurant, fishing boat, media at marketing network.

Una nang inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa DOJ na makasuhan sa korte ang Kapa officers ng  limang counts ng violation of Sections 8 and 26 in relation to 73 of the Securities and Regulations Code (SRC), at 8 counts ng Syndicated Estafa as sa ilalim ng ng  P.D. (Presidential Decree) 1689.”

“The modus/scheme of KAPA is basically solicitation of money/investment from the public in the guise of ‘donation’ with a promise of perpetual monthly interest equivalent to 30% return/interest in the guise of ‘blessings’,” ayon sa reklamo ng  NBI.

Nalaman na kinasuhan din ang Kapa executives ng  Securities and Exchange Commission(SEC) dahil sa paglabag sa   Section 26 ng Securities Regulation Code na nagbabawal sa  Ponzi scheme,  investment program na nag-aalok ng malaking  returns at pagbabayad sa mga investors ng mga nai-contribute ng ibang investors.

 

314

Related posts

Leave a Comment