P2-B UTANG SA PAGCOR TINAKASAN NG POGO

TINAKBUHAN ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa kanilang pagkakautang noong nakaraang taon.

Ito ang kinumpirma ni PAGCOR chairman Alejandro Tengco sa budget hearing kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan umaabot umano sa P2.2 billion ang tinakasang utang ng POGO operators.

Sa pagtatanong ni House minority leader Marcelino Libanan, inungkat nito ang report ng Commission on Audit (COA) na meron pang P2.3 billion collectibles ang PAGCOR sa mga POGOhan sa bansa noong 2022.

“The said amount during the past administration was not collected. This was a P2.2 billion receivables from a POGO, was license during the past administration. During the pandemic po eh nawala na lang parang bula yung POGO,” ani Tengco.

“They closed shop and runaway,” dagdag pa ni Tengco kaya nakipagpulong umano ito sa COA para ipaalam na wala nang paraan para makolekta ang nasabing halaga.

Sinabi ni Tengco na pinuntahan ang opisina ng POGO na lisensyadong mag-operate sa bansa subalit wala na umano ang mga ito at wala rin silang local incorporators kaya hindi na mahabol pa.

Dahil dito, hiniling umano ng PAGCOR sa COA na kalimutan na ang nasabing halaga “dahil wala na po tayong magagawa at hindi na mahahabol”.

Hindi nilinaw ni Tengco kung ilang POGO ang tumakbo at ano ang pangalan ng mga ito.

(BERNARD TAGUINOD)

169

Related posts

Leave a Comment