BBM INUUNA LUHO HABANG HIKAHOS TAUMBAYAN -SOLON

(BERNARD TAGUINOD)

KINASTIGO ng grupo ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang fashion show sa Malacañang kamakalawa dahil pagdidisplay umano ito ng luho ng mga ruling class habang problemado naman ang mga karaniwang tao dahil sa mataas na presyo ng bigas.

“At a time when social services are severely underfunded, it is unacceptable for public officials to engage in such lavish activities,” ayon sa grupo ni Brosas.

Mistulang binubuhay rin umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga maluhong pagtitipon sa Malacañang noong panahon ng kanyang amang si yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“This Imeldific fashion show reminds us of the Marcos Sr. era where the ruling class prioritized their extravagant lifestyle over the people’s needs,” dagdag pa ng grupo ni Brosas.

Sinabi ng mambabatas na kung merong dapat unahin si Marcos Jr., ay tuparin ang kanyang pangako na P20 na presyo ng bigas sa bansa at hindi ang pagho-host ng isang fashion show sa

Malacañang na walang pakinabang ang mamamayan.

Nakababahala aniya ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas na posibleng maging ugat ng mataas na inflation rate sa mga susunod na buwan.

Mula aniya nang maging Pangulo si Marcos, imbes na bumaba ang presyo ng bigas ay tumaas pa ito, patunay ang 4.2% rice inflation na naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong July 2023 na pinakamataas mula noong 2019.

“Indeed, promises are meant to be broken,” ayon pa kay Brosas subalit hindi ito aniya nakapagtataka dahil imbes na paunlarin ng Pangulo ang sektor ng agrikultura at suportahan ang mga magsasaka ay umaasa ito sa importasyon.

“The rising prices of rice is evidence the President Marcos Jr.’s reliance on importation ineffective. Instead of importing rice, President Marcos Jr. should focus on strengthening the local rice industry to achieve food security and agricultural self-suffiency,” ayon pa sa lady solon.

Walang ginamit
na public funds

Kaugnay nito, naglabas ng paglilinaw ang Malakanyang na walang ‘public funds’ na ginamit sa fashion show.

Umani kasi ng kaliwa’t kanang pambabatikos mula sa netizens ang fashion show ng designer na si Michael Leyva na ginanap sa Goldenberg Mansion sa Malacañang complex, dahil sa sinasabing tila pinag-aksayahan ng pera ang nasabing fashion show.

“The government does not spend anything on the event because it is paid for by the designers and private institutions they partner with,” ayon kay Deputy Social Secretary Dina Arroyo Tantoco.

Ani Tantoco, ang serye ay naglalayong lumikha ng plataporma para sa mga malikhaing Pilipino.

‘The output is a collaboration between various creatives in the industry and creates awareness (thereby generating demand) for local fabrics and designs which have always been instrumental in our cultural identity,” ang wika ni Tantoco.

Samantala, kasama sa kilalang panauhin na dumalo sa fashion show si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos. Ang iba pang bisita ay kinabibilangan nina Senador Nancy Binay, Robin Padilla,

Sherwin Gatchalian, Francis Escudero at Joel Villanueva.

Itinalaga ng Palasyo ng Malakanyang ang Goldenberg Mansion bilang events venue noong Mayo, habang ang iba pang mansyon ay ginawa namang museums.

(May dagdag na ulat si CHRISTIAN DALE)

90

Related posts

Leave a Comment