(NI ABBY MENDOZA)
PANIBAGONG forfeiture case na nasa P200-bilyon laban sa pamilya Marcos at crony nito ang ibinasura ng Sandiganbayan dahil sa kawalan ng ebidensya.
Ito na ang ikaapat na civil case laban sa mga Marcoses na ibinasura ng graft court ngayong taon.
Matatandaan na 3 pang forfeiture case ang naipanalo ng mga Marcoses dahil din sa kawalan ng ebidensya kabilang dito ang P102B noong Agosto, P1-billion noong September at P267.371M noong October 14, 2019.
Sa 58 pahinang desisyon ng Sandiganbayan sinabi nito na ang pagbasura sa kaso ay dahil sa kabiguan ng prosekusyon na patunayan ang alegasyon laban sa mga Marcoses at kawalan ng mga matitibay na ebidensya.
“Wherefore, premises considered, for failure of the plaintiff to prove its allegations by preponderance of evidence, the subject complaint filed against defendants Estate of Ferdinand Marcos, Imelda Marcos is hearby dismissed,” nakasaad sa desisyon.
Ayon sa Sandiganbayan, bulto ng documentary evidence na iprinisinta sa prosekusyon ay pawang mga photocopies na ang karamihan ay hindi na mabasa.
Ang nasabing kaso ay isinampa noong 1987 laban sa mag- asawang Ferdinand at Imelda Marcos at mga anak na sina Imee, Bongbong at Irene.
Nais ng PCGG na marekober ang P200 billion na ill-gotten wealth ng pamilya, kabilang dito ang P976M bank deposits Security Bank and Trust Company; P711M bank deposits sa Traders Royal Bank;P18M residential property sa Leyte; P33M sa agricultural land sa Leyte;P1.6B B shares of stock sa PLDT; US$ 292 M foreign bank deposits; US$ 98M investments sa Estados Unidos at United Kingdom; mga alahas at mga painting.
“On a final note, the Court acknowledges the atrocities committed during Martial law under the Marcos regime and the ‘plunder’ committed on the country’s resources. However, absent sufficient evidence that may lead to the conclusion that the subject properties were indeed ill-gotten by the Marcoses,” ayon pa sa Sandiganbayan.
203