P22-B BUWIS ‘DI NAKOKOLEKTA SA POGOS 

dof12

(NI NOEL ABUEL)

NABABAHALA na si Senador Joel Villanueva sa  malaking perang nawawala sa kaban ng bayan na dapat ay nakokolekta sa mga dayuhang nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOS).

Giit ng senador na kailangang kumilos ang mga ahensya ng pamahalaan upang makolekta ang dapat na buwis mula sa POGOS at suportado nito ang pagbuo ng consolidated list ng mga dayuhang nagtatrabaho sa Pogo service providers sa bansa upang malaman ang bilang ng mga illegal foreign workers.

Kumikita umano ang mga foreign workers ng tinatayang P78,000 kada buwan kung saan kung pagbabasehan ang income tax rate na 25 percent, dapat ay magbayad ang mga ito ng P18,750 kada buwan.

Katumbas ito ng P22 bilyon kada taon na dapat ay nakokolekta ng DOF mula sa mga foreign POGO workers.

“If foreign workers want to work here, they have to follow our laws. They must pay the right taxes. They must secure the necessary working permits. They must obtain a proper working visa,” sabi ni Villanueva, chair ng Senate committee on labor, employment and human resources development.

“At the moment, this budding industry generates employment, but not for our kababayans. Sino ba dapat ang nakikinabang sa sitwasyong ito? Dapat tayong Pilipino ang nakikinabang,” dagdag pa nito.

Base aniya sa datos mismo ng DOF nasa 103,000 foreign workers ang nagtatrabaho sa 205 offshore gaming service providers.

 

159

Related posts

Leave a Comment