(NI KIKO CUETO)
DUMIPENSA ang Department of Education (DepEd) sa ginawang pagsita ng Commission on Audit (COA) sa P300 million na ginagastos ng ahensiya para sa out of town trainings.
Sa kanilang report, sinabi ng COA na “extravagant” ang naturang halaga base sa annual assessment na P316.62 million ay ginamit ng DepEd trainings sa “lavish resorts and tourist spot locations.”
Pero sa panayam sa radio sa DZMM, sinabi ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla na bagaman maituturing na “alarming” o nakakabahala ang halaga, pinaalalahanan nito ang dami ng kanilang personnel na 900,000 at wala pa sa 1 porsyento ito sa P4 billion annual budget para sa training ng ahensya.
“Hindi ho maiiwasan na the minimal part of it, although million po kung lumalabas, sa laki ng aming structure, looks like a very alarming finding,” pahayag nito.
Sinabi pa nito na ang mga training ay ginagawa sa buong bansa, at hindi lumalagpas ng P2,000 ang budget sa bawat isa.
“Hindi po pupuwede na mabigyan ng budget ang ating training na more than P2,000 a day per person so imposible po na may mga hotel tayo na makukuha na lagpas P2,000 per head ang ibibigay,” sinabi nito.
Idinagdag nito na ang P4 billion training budget kada taon ay para sa 47,000 schools, 223 school divisions, at 16 regions sa bansa.
“Itong training na ginagawa natin is everywhere and hindi po ito ginagawa in one place (this is not done in just one place),” dagdag nito.
“Ang ‘di natin maiiwasan ay ‘yung (what we can’t avoid is the) training ng teachers because they need that. They really need to be trained,” pagtatapos ni Sevilla.
127